Lider ng kidnap-for-ransom gang timbog
July 5, 2002 | 12:00am
SARIAYA, Quezon Nagwakas ang matagal na pagtatago ng isang lider ng kidnap-for-ransom gang makaraang madakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanyang safehouse sa Brgy. Mamala II sa bayang ito kamakalawa.
Kinilala ng NBI ang suspek na si Geraldo A. Andrade, 36, alyas Ka Gerry, Ka Edwin at residente ng Brgy. Casasahan, Sariaya, Quezon.
Ayon sa NBI, huling biktima ng grupo, ang may-ari ng Raymond Transit sa Tanauan, Batangas noong nakalipas na taon at nagbigay ng halagang P3.5 milyon ransom kaya pinalaya.
Nakatanggap naman ng impormasyon ang NBI sa pinagkukutaan ng suspek kaya isinagawa ang pagdakip. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended