Pulis-Pasay nakapasa sa pagsasanay
July 5, 2002 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Pormal nang nagtapos sa pagsasanay ang may 277 miyembro ng Pasay City Police Force sa layuning iangat pa ang kanilang kasanayan sa paghawak ng mga sensitibong operasyon partikular ang "hostage crisis" sa jungle base sa Subic Bay Freeport Zone, kamakalawa ng hapon.
Sa simpleng seremonya na ginanap sa Naval Magazine (NavMag) headquarters, matapos ang may 15-araw na pagsasanay ay kinakitaan ng husay at galing sa pagganap at paglutas ng krisis, gaya ng "hostage takings" at pagresponde sa anumang kriminalidad na nagaganap sa paligid.
Sa kanyang talumpati sa mga pulis-Pasay na nagtapos sa Responders Course Class 1 2002, malugod na binati ni dating National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director General Edgar Aglipay ang mga trainee at kanyang ipinahayag ang pagtitiwala na ang mga ito ay may sapat nang kakayahan at kahandaan na mamahala ng anumang uri ng krisis sa komunidad.
Binati naman ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Felicito Payumo na naging guest speaker sa pagtatapos ang mga PNP trainee at sinabing sa kanilang pagtatapos ay makakaasa ang publiko na maibabalik muli ang pagtitiwala sa mga pulis.
Ang lahat ng 277 miyembro nito kabilang ang tatlong policewomen ay nakatakda nang bumalik sa kanilang mother-unit sa Pasay City-PNP headquarters para mag-report sa kani-kanilang mga puwesto sa darating na araw ng Sabado. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended