2 estudyante, jailguard tepok sa ambush
July 5, 2002 | 12:00am
NAMBARAN, Kalinga Napatay sa pananambang ang dalawang estudyante at isang provincial jailguard kung saan nakatakas ang kasama nilang kilabot na preso matapos na dumalo sa pagdinig ng kanyang kaso, kamakalawa ng hapon.
Dead-on-the-spot dahil sa dami ng tama ng bala ang mga biktimang sina Ronald Concepcion, provincial guard; mga estudyanteng sina Resty Talamayan, ng Tuguegarao City at Astrid Baddongon, ng Bulanao, Tabuk, Kalinga.
Nasa kritikal na kundisyon naman ngayon ang isa pang pulis na nakilalang si PO3 Vicente Ruben, ng Kalinga provincial police office. Tuluyang nakatakas naman ang dala nilang preso na si Willy Sagasag.
Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pananambang dakong ala-1 ng hapon sa Sitio Cabuloan, Kalinga. Papauwi na ang grupo sakay ng isang pampasaherong jeep matapos na daluhan ang pagdinig ng kasong robbery at illegal possession of firearms ni Sagasag sa Tabuk Regional Trial Court nang tambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan.
Naipit naman sa engkuwentro ang dalawang estudyanteng biktima na minalas na mapuruhan ng mga bala.
Nagawa namang agawin ni Sagasag ang baril ng nasawing si Concepcion bago tumakbo patungo sa kanyang mga kasamahan at agad na tumakas.
Sinabi ng pulisya na maaaring mga kasamahan nito sa sindikato ang tumambang sa mga awtoridad at tumangay kay Sagasag na isang importanteng personalidad sa grupo.(Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended