Pulis, 3 pa tiklo sa drug bust
July 4, 2002 | 12:00am
CALAPAN CITY Isang kagawad ng pulisya kasama ang kanyang pamilya ang napaulat na inaresto ng kanyang kabaro makaraang maaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Brgy. Wawa, Pinamalayan, Oriental Mindoro kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang mga suspek na sina SPO2 Gaudencio Medina, 55, isang pulis mula sa Pinamalayan PNP station, asawa nitong hindi nabatid ang pangalan, 50, isang guro sa naturang bayan, anak na si Joseph Medina, 30 at manugang na 25-anyos na hindi rin ibinigay ang pangalan ng pulisya sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Narekober sa mga suspek ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000, P20,000 at P25,000 na ginamit sa operasyon.
Ayon kay P/Supt. Voltaire Calzado, PNP provincial director na isinailalim sa isang buwang pagtitiktik ang mga suspek hanggang sa maging positibo na nagbebenta ng shabu sa nabanggit na barangay.
Kaagad naman nagpalabas ng search warrant ang korte ng Oriental Mindoro sa agarang pagdakip sa pamilyang drug pushers. (Ulat ni Edith G. Plata)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
23 hours ago
Recommended