4 militar patay, 4 kritikal sa pagsagupa sa NPA
July 4, 2002 | 12:00am
PAOMBONG, Bulacan Apat na militar ang iniulat na nasawi, samantala, apat pang iba ang malubhang nasugatan habang sa panig ng mga rebelde ay hindi nabatid ang napatay sa naganap na sagupaan sa hangganan ng Brgy. Binakod at Sta. Cruz, malapit sa dalampasigan ng Manila Bay sa bayang ito kamakalawa.
Kinilala ang mga napatay na sundalo na sina Cpl. Edwin Abucana; Cpl. Carlito Luquiao, Pfc. Gaylord Antolin; T/Sgt. Nixon Sargado at ang nawawalang si Sgt. Joel Quenagura.
Dalawa sa apat na grabeng nasugatan na ngayon ay nasa Bulacan Provincial Hospital ay nakilalang sina Pfc. Cornelio Pajaro at Sgt. Manuel Galaya na pawang miyembro ng Regiment Special Forces ng Phil. Army ngunit mabilis naman inilipad ng helicopter patungong Metro Manila kasama ang limang napatay na kawal.
Base sa impormasyong nakalap ng PSN sa mga residente, naganap ang engkuwentro dakong alas-11 ng gabi habang nagsasagawa ng patrolya ang tropa ng militar sa baybaying-dagat sakay ng bangkang de motor sa nabanggit na barangay.
Namataan ng militar ang dalawang bangka na may lulang mga armadong hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng NPA.
Nabatid na hindi nagpauna ang mga rebelde kaya mabilis na niratrat ang bangka ng tropa ng militar na ikinasawi naman ng lima.
Hindi naman nabatid ang bilang ng mga nasawing rebelde dahil sa binitbit ng mga kasamahang NPA, samantala, nagsagawa naman ng lihim na pagpupulong ang dalawang mataas na opisyal ng militar kasama si P/Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP provincial director.
Sa kasalukuyan ay walang maibigay na detalye ang PNP at militar sa naganap na sagupaan. (Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
February 15, 2025 - 12:00am