Kinilala ni P/Sr. Supt. Orlando Mabutas, hepe ng Northern Luzon Narcotics Field Office ang mga suspek na sina Marcelo M. de Juating, Jr., 34, negosyante ng Brgy. San Roque, San Rafael, Bulacan; Poncelio G. Cruz, 40, isang driber ng 148 Krus na Daan ng Brgy. San Roque, San Rafael, Bulacan at Rafael F. Lumba, 38, negosyante ng nabanggit na subdivision.
Ayon kay Mabutas, isinagawa ang buy-bust operation bandang alas-3:40 ng hapon makaraang magpanggap na poseur buyer ang isang pulis na tauhan nina P/Sr. Insp. Marcos Eblahan at P/Insp. Paul Mencio.
Kasunod nito, matapos na madakip ang tatlo, sampung pulis-Maynila na nagpakilalang miyembro ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Western Police District (WPD) ang nagtangkang manuhol ng halagang P.2 milyon sa mga tauhan ni Mabutas ang nagpupumilit na arburin at palayain na si Juating, Jr. subalit tinanggihan naman ng pulisya.
Ayon pa kay Mabutas na isang P/Insp. Luis Chico ang tumayong umaareglo upang mapalaya si Juating, Jr. dahil ito umano ay kanilang asset sa operation sa Maynila.
Dahil sa patuloy na pagtanggi ng mga tauhan ni Mabutas ay napilitang tumakas si Chico, samantala, naiwan ang siyam nitong kasama at ang nabanggit na halaga. (Ulat ni Artemio Dumlao)