Idineklarang patay sa San Pablo Medical Community Center sina Claire Monterula, 22, ng Sto. Tomas, Batangas; Jonathan Santiago ng Madella, Quirino; Ronald Bagsik, 19, ng San Pablo City at Josefina Tano ng Alaminos, Laguna.
Samantala, ginagamot naman sa naturang ospital ang mga biktimang sina Ismael Isip, 25; Fredie Hernandez, 23; Ryan Capina, 20; Salmier Cruz, 22; Rendyl Catindig, 21; Carlina Lopez, 21; Juarlito Rosas, 25; Dennis Minajores, 25; Richard Manalastas, 26; Rea Reyes, 21; Cleo Mendoza, 17 na pawang mga residente ng San Pablo City; Joan Manalo, 15, ng Alaminos, Laguna; Oscar Aspili, 24, ng Cebu City at Ryann Villegas ng Sto. Tomas, Batangas.
Ayon kay SPO4 Jimmy Belen, bandang alas-4:45 ng hapon noong Sabado, June 29, 2002 ay sinalpok ng tren na minamaneho ng isang nagngangalang Leoncio Basilio, 58, ng San Fernando, Pampanga ang pampasaherong dyip (DVA-741) na ikinasawi ng apat na pasahero at labing-apat naman ang nasugatan.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na matapos ang aksidente ay nagsitakas ang driver ng dyip at tren sa hindi nabatid na direksyon.
Nabatid sa mga nakasaksing residente na hindi napansin ng tren na ginagamit sa movie shooting patungong Bicol ang dyip na naghahabol na makatawid ng perokaril patungo naman ng San Pablo mula sa Tanauan, Batangas.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, ang nasalpok ng pampasaherong dyip ay biglang huminto sa gitna ng perokaril sa hindi nabatid na dahilan kaya naganap ang malagim na trahedya. (Ulat nina Ed Amoroso/Arnell Ozaeta)