^

Probinsiya

Jeep sinalpok ng tren: 4 patay, 14 sugatan

-
SAN PABLO CITY, Laguna – Apat katao ang kumpirmadong nasawi, samantala, labing-apat naman ang nasugatan makaraang salpukin ng tren ang sinasakyang pampasaherong dyip ng mga biktima sa perokaril ng Brgy. Bagong-Bayan sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa San Pablo Medical Community Center sina Claire Monterula, 22, ng Sto. Tomas, Batangas; Jonathan Santiago ng Madella, Quirino; Ronald Bagsik, 19, ng San Pablo City at Josefina Tano ng Alaminos, Laguna.

Samantala, ginagamot naman sa naturang ospital ang mga biktimang sina Ismael Isip, 25; Fredie Hernandez, 23; Ryan Capina, 20; Salmier Cruz, 22; Rendyl Catindig, 21; Carlina Lopez, 21; Juarlito Rosas, 25; Dennis Minajores, 25; Richard Manalastas, 26; Rea Reyes, 21; Cleo Mendoza, 17 na pawang mga residente ng San Pablo City; Joan Manalo, 15, ng Alaminos, Laguna; Oscar Aspili, 24, ng Cebu City at Ryann Villegas ng Sto. Tomas, Batangas.

Ayon kay SPO4 Jimmy Belen, bandang alas-4:45 ng hapon noong Sabado, June 29, 2002 ay sinalpok ng tren na minamaneho ng isang nagngangalang Leoncio Basilio, 58, ng San Fernando, Pampanga ang pampasaherong dyip (DVA-741) na ikinasawi ng apat na pasahero at labing-apat naman ang nasugatan.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na matapos ang aksidente ay nagsitakas ang driver ng dyip at tren sa hindi nabatid na direksyon.

Nabatid sa mga nakasaksing residente na hindi napansin ng tren na ginagamit sa movie shooting patungong Bicol ang dyip na naghahabol na makatawid ng perokaril patungo naman ng San Pablo mula sa Tanauan, Batangas.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, ang nasalpok ng pampasaherong dyip ay biglang huminto sa gitna ng perokaril sa hindi nabatid na dahilan kaya naganap ang malagim na trahedya. (Ulat nina Ed Amoroso/Arnell Ozaeta)

ALAMINOS

ARNELL OZAETA

BATANGAS

CARLINA LOPEZ

CEBU CITY

CLAIRE MONTERULA

CLEO MENDOZA

DENNIS MINAJORES

ED AMOROSO

SAN PABLO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with