Kinilala ng pulisya ang biktima na si Elvira Rendon, nagtuturo sa College of Engineering.
Sa ulat ni P/Insp. Abner Banay-Banay, hepe ng pulisya sa Kabacan, si Rendon ay kasalukuyang naglalakad kasabay ang kanyang mga estudyante patungong eskwelahan nang lapitan ng killer saka pinaputukan ng kalibre .45 baril.
Palakad na tumakas ang killer na parang walang anumang nangyari matapos isagawa ang krimen.
Nagkaroon ng tensyon at nagpanakbuhan ang mga estudyanteng kasama ng biktima upang umiwas sa anumang susunod na mangyayari.
Inimbitahan naman ng pulisya si Joseph Magacana, isang USM student na naunang nagbanta na reresbakan si Rendon dahil sa nakuhang failing grade sa katatapos na periodical examination.
May palagay ang pulisya na upahang mamamatay-tao ang suspek dahil sa ikinilos na parang walang anumang nangyaring naglakad papalayo matapos ang krimen.
Isinailalim naman sa paraffin test sa laboratoryo ng North Cotabato provincial police si Magacana upang madetermina kung nagpaputok nga ito ng baril.
Magugunita na noong 1990 ay pinatay rin si Alita Manero,isang physical education teacher sa loob ng USM campus at nakababatang kapatid na babae ni convicted priest killer Norberto Manero. (Ulat ni John Unson)