^

Probinsiya

Milyonaryong Koreano lunod sa pool

-
LUMBAN, Laguna – Hindi na nagawa pang iligtas ng lifeguard ang buhay ng isang Koreano matapos na malunod ito habang nasa kasayahan ng kanilang outing, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang nasawing biktima na si Wong San Cho, 26, binata, tubong Bu-Cho City, South Korea at miyembro ng Native Partners for World Mission.

Nabatid na nagtungo sa Caliraya Recreational Center sa Brgy. Lawing ng bayang ito, ang biktima, kasama ang 15 Koreanong mga misyonaryo upang mag-swimming.

Dakong alas-3:45 ng hapon nang madiskubre ang lumutang na bangkay ni Cho na agad namang iniahon ng lifesaver na si Luisito Austero. Tinangka pang iligtas ni Austero si Cho sa pamamagitan ng pagbibigay ng "mouth to mouth recucitation" ngunit hindi na ito umubra.

Agad na isinugod ito sa Pagsanjan General Hospital ngunit idineklara nang patay nang dumating.

Sinisiyasat naman ng pulisya ang mga kasamahan ng biktima at si Austero kung bakit hindi agad nakita na nalulunod ang biktima gayong magkakasama silang lumalangoy sa swimming pool. Inaalam din kung nakainom o may ibang sakit ang biktima. (Ulat nina Danilo Garcia at Ed Amoroso)

vuukle comment

AUSTERO

BU-CHO CITY

CALIRAYA RECREATIONAL CENTER

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

ED AMOROSO

LUISITO AUSTERO

NATIVE PARTNERS

PAGSANJAN GENERAL HOSPITAL

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with