Misis pinatay ng mister sa harap ng ospital

NAGA CITY – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang mister ang kanyang misis habang nakatayo sa harap ng Mother Siton Hospital sa Roxas Avenue, Brgy. Concepcion Pequina sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Alma "Marivic" Anselmo, 32 ng Doña Clara Village ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na mabilis tumakas ay nakilala namang si Alejandro Anselmo, 35 na pinalalagay ng pulisya na pagseselos ang naging motibo sa naganap na krimen dakong alas-8:30 ng umaga. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments