^

Probinsiya

Bacoor inutil sa mga kasong cellphone snatching

-
Dahil sa walang programang maipatupad ang kapulisan sa lalawigan ng Cavite laban sa lumalalang cellphone snatching partikular na sa bayan ng Bacoor ay patuloy na lumulobo ang mga nagrereklamong residente na biktima ng "Agaw-cellphone" gang.

Karamihan sa mga nabibiktima ng "Agaw-cellphone" gang ay pawang mga estudyante na nakasakay sa mga pampasaherong bus at dyip na bumabagtas sa kahabaan ng Talaba, Bacoor, Cavite.

Sinasamantala ng mga mandurugas ng cellphone ang mabagal na daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar.

Sa mga nagrereklamong estudyante ay kinondena naman nila ang pagka-inutil ng hepe ng pulisya ng Bacoor PNP na si P/Supt. Alberto Capua dahil sa walang aksiyong ginagawa ang mga tauhan nito kapag may nagrereklamo sa kanilang himpilan.

Ayon sa mga nagrereklamong estudyanteng nabiktima ng "Agaw-cellphone" gang, pinagtatawanan lamang daw sila ng mga pulis sa himpilan ng pulisya sa Bacoor at pabulong pa umanong sinabing "tatanga-tanga kayo kaya naagaw ang inyong cellphone," dagdag pa ng mga estudyante.

Marami na umanong naipa-police blotter sa himpilan ng pulisya ng kasong cellphone snatching ngunit sa kasalukuyan ay walang ginagawang aksiyon ang kapulisan ng Bacoor. (Ulat ni Critina Timbang)

AGAW

ALBERTO CAPUA

AYON

BACOOR

CAVITE

CELLPHONE

CRITINA TIMBANG

DAHIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with