2 binata tugis sa pananaksak sa anak ng vice-mayor
June 26, 2002 | 12:00am
TARLAC CITY Nagsasagawa ngayon ang pulisya ng malawakang manhunt operation laban sa dalawang tinedyer na sumaksak at malubhang ikinasugat ng isang 16-anyos na anak ng vice mayor sa lungsod na ito noong nakalipas na linggo.
Pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng dalawang suspek na tinangkang patayin si Amado Benjamin Dojee Taedo, anak ni Vice Mayor Miguel Taedo.
Kasalukuyan namang nasa custody ng pulisya ang tatlong suspek na sina Michael Dimatulac, 18, ng Lazatin Subd., Brgy. Ligtasan; Ronnie Rodriguez, 19, ng Aquino Subd., Brgy. Sto. Cristo at Jhonny Ryan Maniaol, 21, ng St. Marys Subd., Brgy. Matatalaib.
Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Tito Bayangos, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, ang biktima na kasama pa ang ibang kaibigan ay kasalukuyan maglalaro ng play computer games sa Gamepad Computer Shop sa kahabaan ng Juan Luna Street sa Brgy. Mabini nang pagtulungang saksakin ng mga suspek sa hindi nabatid na dahilan.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya, ilan sa mga nakasaksi sa pangyayari na ilan sa mga kaibigan ng biktima ang nagtangkang habulin ang mga suspek na tumakas subalit si Dimatulac ay nagbunot ng baril saka nagpaputok ng dalawang ulit sa ere upang takutin ang mga nagsisihabol.
Kasong frustrated murder, illegal possession of firearm at paglabag sa batas ng gun ban na pinaiiral ng Comelec ang naisampa na sa korte laban sa mga suspek. (Ulat ni Benjie Villa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended