Ambush: Pulis patay, 1 pa grabe
June 25, 2002 | 12:00am
ALEGRIA, Surigao Del Norte Tinambangan at napatay ang isang baguhang pulis ang kumpirmadong nasawi, samantala, ang kasamang kabaro ay malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang mga biktima ay sakay ng owner-type jeep at bumabagtas sa kahabaan ng national highway sa Brgy. San Juan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawing biktima na si PO1 Freddie Unclara, samantala, si PO1 Bernie Papelleras ay ginagamot ngayon sa Miranda Hospital sa Surigao City. Ang dalawa ay kapwa nakatalaga sa Alegria police station nang maganap ang pananambang dakong alas-6 ng gabi.
Base sa ulat mula sa Camp Crame, bago nagsitakas ang mga rebelde ay tinangay pa ang M16 rifle at kalibre 9mm na baril ng mga biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended