^

Probinsiya

Lolang nagbunyag ng illegal terminal sa Lawton, sinalvage

-
BACOOR, Cavite – Pinaniniwalaang pagbubunyag ng illegal terminal sa Liwasang Bonifacio (Lawton) ang naging dahilan upang itumba ang isang 42-anyos na babae ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nakatayo sa kahabaan ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway na sakop ng Brgy. Panapaan 7 sa bayang ito noong Sabado ng gabi.

Idineklarang patay sa St. Dominic Hospital ang biktimang si Lilian Villena Lemery, may asawa at residente ng Marinao Compound, Justinville Subdivision ng nabanggit na barangay.

Ayon kay P/Supt. Elmer Jamias, hepe ng Traffic Enforcement Division ng Western Police District (TED-WPD), si Lemery ay dating kasapi ng Lawton, Imus Driver’s and Operator’s Association hanggang sa ibunyag nito ang nasa likod na anomalya na hinahawakan ng isang dating opisyal ng Manila Traffic Parking Bureau.

Ayon kay Jamias, kumikita ang illegal terminal mula sa mga colorum na jeepney ng halagang P10, 000 kada araw at noong ibunyag ng biktima ang anomalya ay nabuwag naman kaya pinalalagay siyang pinatahimik ng sindikato.

Hiniling naman ni Jamias sa pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) na masusing siyasatin ang pagkakapatay sa biktima dahil sa kinasasangkutan ito ng dating opisyal ng nabanggit na ahensya sa Manila City Hall.

Napag-alaman kay PO1 Ernesto Caparas, tinambangan ang biktima bandang als-10:20 ng gabi ng tatlong hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang bayarang mamamatay-tao na sakay ng owner-type jeep na walang plaka. (Ulat nina Andi Garcia at Lnie Mate-Sapitanan)

ANDI GARCIA

AYON

ELMER JAMIAS

EMILIO AGUINALDO HIGHWAY

ERNESTO CAPARAS

JAMIAS

JUSTINVILLE SUBDIVISION

LAWTON

LILIAN VILLENA LEMERY

LIWASANG BONIFACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with