^

Probinsiya

7 NPA na tumodas sa mayor kinasuhan

-
CAMP ADDURU,Tuguegarao City - Pitong miyembro ng new People's Army ang kinasuhan ng murder dahil sa pagpatay nila kay Mayor Jesus Sebastian ng Jones,Isabela dalawang buwan na ang nakakalipas.

Sinabi ni C/Supt. Dominador Resos Jr., Cagayan Valley police director na sinampahan ng Isabela PNP ang mga NPAs na responsable sa pagpatay kay Sebastian noong Abril 22.

Maliban sa kasong murder,kinasuhan din ng robbery in band s Jones-San Agustin Municipal Trial Court ang mga NPA na sina Victorio Tesorio,alias Ikoy/Satur; Remedios Dawag,alias Rosa/Ilay pawang residente ng Jones at Rolando Busanta,alias Leo at apat na iba pa na nakilala lamang sa mga alias na Ka Soliman,Ka Jean,Ka Arnel at Ka Eden na pawang mga miyembro ng NPA Benito Tesorio Command.

Naglaan ang Regional Peace and Order Council ng P 450,000 sa makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek na nakakalaya pa.(Ulat Charlie Lagasca)

BENITO TESORIO COMMAND

CAGAYAN VALLEY

DOMINADOR RESOS JR.

ISABELA

JONES-SAN AGUSTIN MUNICIPAL TRIAL COURT

KA ARNEL

KA EDEN

KA JEAN

KA SOLIMAN

MAYOR JESUS SEBASTIAN

REGIONAL PEACE AND ORDER COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with