Mag-ama kinatay ng mag-uutol
June 24, 2002 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Dahil sa maling akala, napatay ang isang mag-ama ng tatlong lalaki na mag-utol sa isang rambulang naganap sa Brgy. San Andres 1 sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Animoy kinatay na baboy ang katawan ng mag-amang sina Ferdinand, 56 at Franco Noel Guimbal, 29, binata ng Block 2, Lot 10 ng naturang lugar dahil sa mga taga at saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang magkapatid na suspek sina Danilo, 43, driver; Angelito, 33, vendor at Ernesto Donato, 49, may asawa ng Block E-2 Lot 22 ng nabanggit na barangay.
Sa nakalap na ulat mula kay SPO1 Carlito Gener, naganap ang krimen dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa labas ng bahay ng mga suspek.
Magkakasamang nag-iinuman ng alak ang magkakapatid sa loob ng kanilang bahay nang batuhin ng hindi kilalang lalaki ang bubungan ng kanilang bahay.
Kaagad na lumabas ang isa sa mga suspek at nakita ang mag-ama na malakas na nagtatawanan dahil sa pawang lasing na.
Kinompronta ng mga suspek ang mag-ama at tinanong kung bakit ito nambato.
Nangatuwiran ang mag-ama na hindi sila ang nambato na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa magrambulan.
Dahil sa armado ng itak at patalim ang mga suspek ay walang nagawa ang mga biktima at tinanghal na pawang mga bangkay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended