Misis na kilabot na tulak,timbog

KAMPO SIMEON OLA - Isang misis na notoryus na drug pusher na matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad ang nahuli ng pinagsanib na puwersa ng 54th CIDT, R105 at Sorsogon City CPS sa isang operasyon na isinagawa sa Brgy. Borabod sa lungsod ng Sorsogon kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Mrs. Erlinda Lareza aka Linda 47, may-asawa at residente ng naturang lugar.

Ayon sa naantalang ulat ni P/Supt. Ramon Ranara na nakarating sa Kampo ng Simeon Ola, na ang suspek ay nahuli dakong alas-7:30 ng umaga sa loob ng kanyang bahay na inuupahan sa naturang barangay.

Napag-alaman na ang operasyon ay isinagawa base sa ipinalabas na search warrant no. 2002-24 ni Hon. Judge Honesto Villamor ng RTC Branch 52 ng Sorsogon City.

Nakumpiska sa suspek ang 10 plastic sachet ng shabu, P96,000, timbangan, 3-cellphone, bankbook at paraphernalia. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments