Nakilala ang biktima na si Juan Alteza, 30, may-asawa, magsasaka at residente ng Barangay Buenavista ng naturang lugar.
Batay sa ulat ng pulisya, ang pananambang ay naganap dakong alas-6:00 ng gabi habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa kanilang bahay na galing sa bahay ng kanyang kaibigan.
Nang aabot sa walong mga rebelde na pawang armado ng M-16 at M14 rifle ang bigla na lamang na tumambad sa biktima sa daraanan nito at tinutukan ng baril.
Matapos na tutukan ng baril ang biktima ito ay tinalian ng mga rebelde at saka dinala sa isang liblib at madamong lugar na pinaluhod at saka pinagbabaril sa ulo at katawan.
Agad na tumakas papalayo sa lugar ng pinangyarihan ang mga rebelde.
Napag-alaman na ang biktima ay pinaghihinalaang isang asset ng militar at pulisya na nagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga aktibidad ng mga rebelde sa kanilang lugar.
Nauna dito, ang biktima ay nakakatanggap na ng pagbabanta sa kanyang buhay mula sa mga rebelde, subalit ito ay hindi naman pinapansin ng biktima.
Nabatid na bago naganap ang pamamaslang sa biktima ilan sa mga pumaslang dito ay parati ng nakikita ng biktima na aali-aligid sa kanilang bahay maging saan man ito magpunta. (Ulat ni Ed Casulla)