^

Probinsiya

Asset ng pulis, nilikida ng NPA

-
SAN FERNANDO, Masbate – Isang mister ang pinagbabaril hanggang sa masawi ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ito ay naglalakad papauwi sa kanilang bahay sa Barangay Valparaiso sa bayan na ito kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Juan Alteza, 30, may-asawa, magsasaka at residente ng Barangay Buenavista ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, ang pananambang ay naganap dakong alas-6:00 ng gabi habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa kanilang bahay na galing sa bahay ng kanyang kaibigan.

Nang aabot sa walong mga rebelde na pawang armado ng M-16 at M14 rifle ang bigla na lamang na tumambad sa biktima sa daraanan nito at tinutukan ng baril.

Matapos na tutukan ng baril ang biktima ito ay tinalian ng mga rebelde at saka dinala sa isang liblib at madamong lugar na pinaluhod at saka pinagbabaril sa ulo at katawan.

Agad na tumakas papalayo sa lugar ng pinangyarihan ang mga rebelde.

Napag-alaman na ang biktima ay pinaghihinalaang isang asset ng militar at pulisya na nagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga aktibidad ng mga rebelde sa kanilang lugar.

Nauna dito, ang biktima ay nakakatanggap na ng pagbabanta sa kanyang buhay mula sa mga rebelde, subalit ito ay hindi naman pinapansin ng biktima.

Nabatid na bago naganap ang pamamaslang sa biktima ilan sa mga pumaslang dito ay parati ng nakikita ng biktima na aali-aligid sa kanilang bahay maging saan man ito magpunta. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY BUENAVISTA

BARANGAY VALPARAISO

BATAY

BIKTIMA

ED CASULLA

ISANG

JUAN ALTEZA

MASBATE

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with