Kinilala ang sumukong opisyal na si MBG Commander Arola Abubakar na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ni Commander Khaid Ajihon.
Nakilala naman ang mga nagsisuko nitong tauhan na sina Sawadi Malam, Alaris Gahdjon, Kaman Darul, Naris Hasim, Tiblan Tunggalan, Malang Sarahani, Mustajan Ahadan, Hasbi Balrulla, Nol Mansari, Espadlon Jamsuri, Sakam Tunggalan, Hadong Ebba, Julhasim Hatam, Bibi Sajon, Adbulhasir Ebbarani at Amin Totoh.
Batay sa ulat na tinanggap kahapon ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Dionisio Santiago, ang 17 MBG ay boluntaryong sumuko ala-1:05 ng hapon kay Col. Romeo Tolentino, Commander ng Task Force Orion at siya ring hepe ng 104th Brigade ng Phil. Army na nakabase sa Busbus, Jolo, Sulu.
Isinurender rin ng grupo ni Abubakar ang tatlong M16 rifles, 12 garand rifles, isang carbine at isang 12 gauge shotgun.
Ang mga ito ay aktibong nag-o-operate sa bahagi ng Buanza, Indanan, Sulu na namundok bilang suporta sa nagrebelyong si dating ARMM Governor Nur Misuari na kasalukuyang nakapiit sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.
Nabatid na nagpasyang sumuko ang grupo upang landasin ang pagbabagumbuhay kaugnay ng iniaalok na inisyatibong pangkapayapaan ng pamahalaan.
Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng militar ang mga nagsisukong renegades ni Misuari. (Ulat ni Joy Cantos)