6 todas sa sagupaan ng militar at NPA
June 21, 2002 | 12:00am
DAVAO CITY Anim katao ang kumpirmadong napatay sa naganap na sagupaan ng tropa ng militar at rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa katimugang bahagi ng lungsod na ito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Dalawang hindi kilalang kasapi ng rebeldeng NPA, tatlong sibilyan at isang CAFGU ang napatay sa pakikipagsagupaan ng militar sa mga rebelde sa kagubatan ng nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, ang tatlong sibilyan ay nakikipagtulungang sumanib sa military patrol nang makasagupa nila ang may labinlimang NPA rebels.
Kasunod nito, nadakip naman ng tropa ng militar ang isang rebeldeng NPA at narekober ang dalawang rifles sa Mindoro Island noong Miyerkules.
Kasalukuyang sinuspinde ng gobyerno ang peace talks noong nakalipas na taon dahil sa pagkakapatay sa dalawang tauhan ng pamahalaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest