^

Probinsiya

Granada hinagis ng Abu, 7 kritikal

-
JOLO, Sulu Pito katao ang malubhang nasugatan makaraang hagisan ng granada ng dalawang hindi kilalang kalalakihan na hinihinalang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf group ang bahay ng mga biktima sa Busbus, Jolo, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Analyn Ladaga, 12; Rasman Sala, 40; Mauricio Gabiola, 27; Elpidio Lagada, 40; Jerry Ege, 3; Willy Vilver, 40 at Christopher Ege, 13-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang pangyayari ay naganap dakong alas-8:45 ng gabi sa bahay ni Bienvenido Ladaga sa Kasulutan Village, Brgy. Busbus, Jolo, Sulu.

Base na rin sa testimonya ng ilang mga residente sa nasabing lugar, dalawa umanong kahina-hinalang kalalakihan ang namataan nilang umaaligid sa nasabing lugar.

Bigla na lamang hinagisan ng granada ang bahay ni Ladaga na nagresulta sa malubhang pagkasugat ng mga biktima.

Magugunita na nauna nang inihayag ng AFP-Southcom na inaasahan na nila ang posibleng panibagong paghahasik ng terorismo ng Abu Sayyaf tulad ng kidnapping at pambobomba matapos na dumanas ng dagok ang mga bandido sa pagkasawi ng marami sa kanilang mga kasamahan sa ‘crackdown operations’ ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ANALYN LADAGA

BIENVENIDO LADAGA

BUSBUS

CHRISTOPHER EGE

ELPIDIO LAGADA

JERRY EGE

JOLO

JOY CANTOS

KASULUTAN VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with