Mister tinodas ng mag-utol na recruiter

DASMARIÑAS, Cavite – Dahil sa hindi pagre-remit ng malaking halaga mula sa mga aplikante ay binaril at napatay ang isang 32-anyos na lalaki ng magkapatid na recruiter sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Salawag sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Vicencio Isidro ng Block 11 Lot 9 Diamond Village, Brgy. Salawag, samantala, ang mag-utol na suspek ay tumakas sakay ng Honda Civic (XCB-792) ay kinilalang sina Mario at Melanie Mercado na kapwa residente ng Block 120 Lot 7 Zone 9, Brgy. Old Bulihan, Silang, Cavite.

Batay sa paunang pagsisiyasat ni PO3 Edgar Belza, tinungo ng mag-utol ang bahay ng biktima upang komprontahin sa nabanggit na isyu hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo bago isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments