Obrero napatay ng sundalo dahil sa mikropono

INFANTA, Quezon – Isang obrero na lango sa alak ang nasawi makaraang makipagbarilan sa isang sundalo sa loob ng videoke bar kamakalawa ng madaling-araw sa Brgy. Comon sa bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo ay nakilalang si Romeo Vargas, 37 ng Brgy. Bunugao, samantala, ang sugatang sundalo na nakalaban ni Vargas ay kinilalang si Cpl. Allan Doctor ng 3rd Scout Ranger Company na nakabase sa Brgy. Tongohin.

Sa ulat ng pulisya,naganap ang barilan dakong alas-2:30 ng madaling araw sa loob ng Riverside Videoke Bar nang mag-agawan ng telepono ang dalawa.(Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments