3 holdaper nasakote
June 20, 2002 | 12:00am
GUIGUINTO, Bulacan Tatlo sa apat na holdaper ang bumagsak sa kamay ng pulisya makaraang harangin at holdapin ang sasakyang kotse ng isang 65-anyos na lola sa kahabaan ng McArthur Highway sa Brgy. Tuktukan sa bayang ito kamakalawa ng tanghali.
Nakilala ang biktima na si Erlinda Apostol, negosyante at residente ng Brgy. Taliptip, Bulacan, Bulacan.
Samantala, ang mga suspek ay kinilalang sina Marlon Anastacio, 20, binata; Edwin Concepcion, 21, kapwa residente ng Brgy. Sto. Niño, Pandi, Bulacan at Nemencio Punzalan, 23 ng Brgy. Poblacion sa bayang ito, habang tinutugis naman ang nakatakas na si Noel Rado, lider ng "Rado" gang.
Ang biktima ay nag-withdraw ng halagang P40,000 sa bangko saka sumakay ng kotseng Mitsubishi (CRX-644).
Napag-alaman sa ulat ni P/Sr. Insp. Joselito Sta. Teresa, hepe ng pulisya sa bayang ito, sinabayan ang kotse ng biktima ng mga naka-motorsiklong suspek dakong alas-12:30 ng tanghali at tinutukan ng baril upang pahintuin subalit pinaharurot pa imbes na huminto kaya binaril ang gulong ng kanyang kotse.
Nagawang tangayin ng mga holdaper ang pera ng biktima ngunit sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ay kaagad naman nadakip ang mga suspek. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended