Bagong kampo ng pulis sa Cavite itatayo
June 20, 2002 | 12:00am
TRECE MARTIREZ CITY, Cavite Pinasinayanan kahapon nina PNP Deputy Director General Hermogenes Ebdane, Jr. at Cavite Governor Ireneo "Ayong" Maliksi ang seremonya ng groundbreaking sa itatayong bagong kampo ng kapulisan ng Cavite sa Brgy. Osorio sa lungsod na ito.
Ang naturang kampo ng PNP ay itatayo sa limang ektaryang lupain sa nabanggit na barangay na may ilang metro lamang ang layo mula sa Cavite Provincial Capitol upang mapanatili ang peace and order ng naturang lalawigan.
Nagbigay naman ng pinansiyal na tulong sina Trece Martirez City Mayor Jun De Sagun, Jr. ng halagang P2 milyon, si Sen. Ping Lacson naman ay halagang P2.5 milyon at sasagutin naman ni Governor Maliksi ang halagang kukulangin sa itatayong kampo.
Kabilang sa dumalo sa seremonya ay sina Cavite Vice Governor Johnvic Remulla, Region 4 PNP Director Domingo Reyes, Jr.; Cavite PNP Provincial Director P/Supt. Samuel Pagdilao at mga Board Members na sina Doy Suarez, Alex Advincula, Jun Del Rosario at Bimbo Bautista. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended