Ang naturang pagsasanay ng kapulisang Pasay City ay pangungunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director General Edgar Aglipay, kasama ang iba pang opisyal ng PNP.
Pangunahing pagsasanay ay ang tinatawag na Hostage Management Crisis na siya ngayong partikular na pagtutuunan ng pansin.
Sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ang lugar na pinili ni outgoing PNP Chief Director General Leandro Mendoza na training ground ng mga pulis upang matiyak at magarantiyahan ang seryosong pag-aaral at pagsasanay sa kanila.
Sa isang malawak na jungle base sila mananatili habang isinasagawa ang pagsasanay na tatagal ng 20-araw at upang matiyak din na hindi makalalabas ng naturang Freeport upang makapamasyal na pansamantalang mahigpit na ipinagbabawal sa kapulisang Pasay.
Nabatid pa na ilang opisyal mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) na naka-base sa US Embassy dito, ang mangunguna at magsisilbing lecturer sa mga pulis.
Napag-alaman na labintatlong Pasay pulis ang hindi nakasama sa hindi maipaliwanag na dahilan. (Ulat ni Jeff Tombado)