2 hukom nagsuntukan
June 19, 2002 | 12:00am
MALOLOS, Bulacan Dahil sa hindi pagkakaunawaan sa isyung pulitika ay nagawang suntukin sa mukha ang isang hukom ng kanyang kasamahang hukom habang nagpupulong sa ikalawang palapag ng Hall of Justice sa provincial capitol compound sa bayang ito kamakailan.
Ayon sa ulat na nakalap ng PSN, ang panununtok sa mukha ni Bulacan Regional Trial Court Judge Alexander Tamayo ng Branch 15 ay isinagawa ni Bulacan RTC Judge Caesar Casanova ng Branch 80 na pinaniniwalaang matalik na kaibigan ni Bulacan-RTC Executive Judge Oscar Herrera.
Ang panununtok ni Judge Casanova kay Judge Tamayo ay nag-ugat makaraang magpalabas ng press statement si Executive Judge Herrera sa lahat ng hukom sa Bulacan na huwag makihalubilo sa isyung politika.
Dahil sa press statement ni Executive Judge Herrera ay nagkaroon ng pagtatalo ang mga hukom sa Bulacan at ang iba naman ay nagbigay ng kani-kanilang opinyon at ang iba naman ay sumasalungat sa pamamalakad ng nabanggit na hukom.
Nabatid pa sa ulat, habang nagpupulong ang mga hukom ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Judge Tamayo at Judge Casanova sa naturang isyu.
Dahil sa pagkapikon ni Judge Casanova ay sinuntok nito sa mukha si Judge Tamayo sa sinabing opinyon.
Kaagad naman napayapa ang dalawa ng ibang hukom na dumalo sa isinasagawang pulong ng mga hukom. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended