^

Probinsiya

US Marines, Abu nagbanatan

-
ISABELA CITY, Basilan – Dalawang miyembro ng US Marines at ibang sundalong Pinoy na nagsisilbing guwardiya sa paligid ng ginagawang road construction ang pinagbabaril ng mga snipers ng teroristang Abu Sayyaf group subalit gumanti naman ng putok ang mga sundalong Kano sa naganap na sagupaan sa Brgy. Maligue sa lungsod na ito kamakalawa.

Ang naganap na banatan ay nagsimula dakong alas-3:45 ng hapon na kinumpirma naman ni Lt. Commander Jeff Davis, tagapagsalita ng US Pentagon.

Sa ulat ng militar, kasalukuyang binabantayan ng mga US Marines, kasama ang mga sundalong mula sa 55th Infantry Battalion ng Phil. Army ang road construction project ng Army’s Engineering Brigade, katuwang ang US Engineers nang biglang ratratin ng mga teroristang Abu Sayyaf.

Gayunman, gumanti ng putok ang dalawang US Marines na tumagal ng limang minuto bago nagsitakas ang mga armadong kalalakihan makaraang matunugang may paparating na back-up na militar.

Ito ang ikalawang pag-atake sa US personnel na unang binanatan ay ang dalawang US Pave Hawks na nagsasagawa ng surveillance mission sa Bohe Tambis, Tuburan, Basilan noong Mayo 27, 2002. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

BASILAN

BOHE TAMBIS

BRGY

COMMANDER JEFF DAVIS

DALAWANG

ENGINEERING BRIGADE

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

PAVE HAWKS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with