Binistay ng bala ng armalite rifle ang mga biktimang sina Crisanto Cardino, 30 at live-in partner nitong si Lorna Mucenda, 35, samantala, nakaligtas naman ang batang lalaki na si Junior.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO1 Neil Morano, niratrat ang mag-live-in bandang alas-9:30 ng gabi matapos na pumasok ang mga armadong kalalakihan habang nasa loob ng kanilang bahay.
May palagay naman ang pulisya na ang mga killer ay kakilala ng mga biktima na nagnanakaw ng baka at kalabaw sa nabanggit na barangay. (Ulat nina CristinaGo-Timbang /Mading Sarmiento)