Nagsimula ang apoy sa tindahang pag-aari ni Ali Tasil saka kumalat sa kalapit na tindahan dakong alas-2 ng madaling-araw at tumagal ng may ilang oras bago maapula ang apoy ng mga nagrespondeng bombero.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog na pinalalagay na overload na electrical wiring ang posibleng pinagmulan ng apoy. (Ulat ni Joy Cantos)
Namatay dahil sa pagkakaipit ng sasakyan si Pablito De Luna ng Burgos Street, Cabuyao, Laguna, samantala, ang mga biktimang sugatan ay sina Ariel Saturay, 36; Doris Guario, 36; Jona Montenegro, 20; Arman Bustamante, 20; Juliana Ugayam, 14; Pedro Delas Alas, 54; Edwin Alog, 32; Nicolas Vermon, 22; Frances Tolentino, 43; Rolly Antiga; Lourdes Dalandan; Michael Nosa; Mary Jean Vallevero at Eddie Gumanoy.
Basae sa inisyal na ulat ni SPO1 Wilfredo Cagalfin, naganap ang road mishap bandang alas-11:30 ng umaga matapos na magkarambola ang sasakyan ng nasawing biktima na may plakang DVT-685, Vergara Liner (DWK-156) at truck (PXW-353) sa naturang highway. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Binawian ng buhay sa Perpetual Hospital sa Biñan, Laguna ang biktimang si Rolando Vargas, 40, alyas Rolan ng El Subdivision ng nabanggit na barangay, samantala, ang dalawang suspek na mabilis tumakas sakay ng motorsiklong walang plaka ay pinalalagay na upahan.
May teorya ang puliysa na inabangang makauwi ang biktima saka isinagawa ang krimen at kasalukuyang inaalam ang motibo ng pangyayari. (Ulat ni Ed Amoroso)
Hindi nakuhang makapalag ng suspek na si Jose San Angel ng #12 Loakan, Apugan, Baguio City makaraang masukol ng mga tauhan ni P/Supt. Romeo Ver, Bulacan provincial Traffic Management Office.
Nadakip ang suspek bandang alas-3:30 ng hapon sakay ng kinarnap na kulay pulang Toyota model 1998 (WEC-105) na pag-aari ni Teak Shing Ching.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, ikinanta naman ng suspek na binayaran siya ng isang alyas Andrew Sy na pinakalider at financier ng kanilang grupo. (Ulat ni Efren Alcantara)