Paslit nailigtas sa hostage taker
June 18, 2002 | 12:00am
KORONADAL CITY, South Cotabato Nailigtas ng mga awtoridad ang isang 4-anyos na batang babae mula sa hostage taker na pinaniniwalaang bangag sa droga matapos ang matagumpay na negosasyon sa lungsod na ito kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Grace Ann Medrano, anak ni Wilma Deaño Medrano ng Toril, Davao City.
Ang suspek na agad naaresto matapos pakawalan ang bata ay si Samuel Abellon Arguelles.
Bandang alas-4:20 ng hapon nang makatanggap ng ulat ang mga awtoridad na nakabase sa Glamang, Polomolok, South Cotabato mula sa ina ng bata hinggil sa pangyayari.
Ayon sa ina ng bata, kasalukuyan silang lulan ng pampasaherong dyip mula sa Koronadal City patungong General Santos City nang bigla na lamang sunggaban at ihostage ng suspek ang bata.
Mabilis namang nagresponde ang magkakasanib na elemento ng Task Group 12, Task Force Mindanao sa pamumuno ni P/Insp. Henry Cerdon, Special Operation Group naman sa pamumuno ni P/Supt. Wilie Dangane at Regional Mobile Group (RMG) 12 saka napayapa ang suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended