P.3-M tangay sa aircon bus hold-up
June 17, 2002 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite - Tinayatang aabot sa halagang P.3 milyon alahas at pera ang nadugas sa limampu katao makaraang holdapin ng pitong hindi kilalang kalalakihan at dalawang babae ang sinasakyang aircon bus ng mga biktima sa kahabaan ng General Emilio Aguinaldo Highway na sakop ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Wency Tubay na isinumite kay P/Senior Superintendent Samuel Pagdilao, Cavite PNP provincial director, sumakay sa Delta Transport aircon bus (NYP-885) sa Brgy. Talaba, Bacoor, Cavite ang pitong kalalakihan at dalawang babae na nagpanggap na mga pasahero.
Sa salaysay sa pulisya nina Hugo Santos, driver ng aircon bus at Gerald Catibay, conductor, nagdeklara ng holdap ang siyam bandang alas-8:30 ng gabi habang bumabagtas ang sasakyan sa kahabaan ng naturang highway.
Walang nagawa ang mga pasahero dahil sa tinutukan sila ng baril habang ang ibang holdaper naman ay nililimas ang mga suot na alahas, cellphone at pera ng mga biktima.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya, matapos isagawa ang panghoholdap ay nagsibaba ang mga holdaper sa Guevarra Street, Brgy. Zone 1, Dasmariñas, Cavite.
May palagay ang pulisya na mga professional holdaper ang bumanat dahil sa lahat ay may mga hawak na malalakas na kalibre ng baril, ayon sa salaysay ng mga pasaherong nabiktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended