Ex-convict niresbekan, todas

GENERAL SANTOS CITY – Isang 38-anyos na bagong laya sa kulungan dahil sa iba’t ibang kaso ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay naglalako ng paninda sa harap ng pampublikong palengke sa lungsod na ito kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril sa katawan ay nakilalang si Carlos Madrid ng Purok 5, Rajah Muda, Brgy. Bula sa naturang lugar.

Base sa ulat ni PO2 William Canapin, naganap ang krimen bandang ala-1:20 ng madaling-araw at pinalalagay na niresbakan ang biktima ng mga nadale nito noong hindi pa nakukulong at may kasalukuyang pang nakabinbing kaso ng pagnanakaw laban kay Madrid. (Ulat ni Boyet Jubelag)

Show comments