^

Probinsiya

10-anyos pinilahan bago pinaslang

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang 10 anyos na nene ang natagpuang walang buhay at hinihinalang dinukot ng mga adik ang ‘pinilahan’ muna bago pinaslang at itinapon sa isang malalim na kanal sa Brgy. Del Mundo, Mansalay, Oriental Mindoro, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kay P/Director Domingo Reyes Jr., nakilala ang biktima na si Erna Malicse, Grade II ng Provincial Elementary School at nakatira sa Mansalay, Oriental Mindoro.

Base sa isinagawang pagsusuri ni Dr. Ely Cabrera, Mansalay Municipal Health Officer, si Malicse ay positibong ni-rape at may palatandaan na tinurture muna bago pinatay.

Malaki ang paniniwala ng pulisya na ang biktima ay dinukot sa ibang lugar at itinapon ang bangkay nito sa Brgy. Del Mundo upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Nabatid sa ulat, dakong alas-9 ng umaga nang matagpuan ang labi ng bangkay na halos nangangamoy na sa isang drainage sa kahabaan ng Brgy. Del Mundo Oriental Mindoro.

Lumalabas na ang biktima ay papauwi ng kanilang bahay ilang metro na lamang ang kalayuan nang masalubong nito ang isang grupo na di-nakilalang kalalakihan na pawang nasa impluwensiya ng droga.

Dahil sa murang kaisipan ay madaling napagtripan ng mga suspek ang biktima habang naglalakad na nag-iisa sa nabanggit na lugar.

Sapilitang isinama ng mga suspek ang biktima at dinala sa hindi malaman na direksyon.

Pagsapit sa liblib na lugar, isinagawa ng mga suspek ang panghahalay at pinahirapan pa ang biktima bago tuluyang pinatay. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BRGY

DEL MUNDO

DEL MUNDO ORIENTAL MINDORO

DIRECTOR DOMINGO REYES JR.

DR. ELY CABRERA

ED AMOROSO

ERNA MALICSE

MANSALAY

MANSALAY MUNICIPAL HEALTH OFFICER

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with