1 pamilya todas sa road accident
June 14, 2002 | 12:00am
DAVAO CITY Limang miyembro ng pamilya ang kumpirmadong nasawi, samantala, dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang bumaligtad ang sinasakyang Tamaraw FX na umiwas sa kasalubong na pampasaherong bus sa boundary ng Maramag at Quezon, Bukidnon.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Edgar Pardillo (ama), Elizabeth (ina), tatlong anak na sina Eldrin, 23, Edzyl, 19 at Eldrin, 3-anyos na pawang residente ng Doña Aurelia Subdivision, Brgy. Sasa sa lungsod na ito.
Samantala, nasa Bukidnon Doctors Hospital sa bayan ng Valencia ang dalawang anak na sina East, 16 at Engeline, 13, na nagtamo ng maraming sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Base sa ulat ng pulisya, ang pamilya Pardillo ay sakay ng Tamaraw FX van patungo sa Misamis Oriental mula sa Davao City.
Bibisitahin ng pamilya ang ama ni Edgar na bagong dating noong Sabado bilang marino na napadestino sa ibang bansa, kasabay na bibisitahin ang kanilang malapit na kamag-anakan.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, iniwasan ni Edzyl na nagmamaneho ng kanilang sasakyan ang kasalubong na bus kaya nawalan ng kontrol saka may ilang ulit na bumaligtad na ikinasawi ng limang miyembro ng pamilya. (Ulat ni Edith R. Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
1 hour ago
Recommended