^

Probinsiya

Bunso pinatay ng kuya

-
SAN ANDRES, Quezon – Nagmistulang biniyak na buko ang ulo at halos maputol ang balikat ng isang 45-anyos na mangingisda matapos na pagtatagain ng kanyang nakatatandang kapatid kamakalawa ng hapon sa Sitio Mena, Barangay Tala sa bayang ito.

Ang biktima na agad na namatay sa pinangyarihan ng insidente ay nakilalang si Nicolas Calosor ng Sitio Danao, samantalang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Gualberto, 49, may-asawa ng Sitio Mena.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Paterno Arrabis, officer-on-case, dakong alas-4:30 ng hapon ay lasing na dumating ang biktima sa bahay ng kanyang kuya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hinamon umano ng suntukan ng biktima ang suspek subalit di ito pinatulan ng huli.

Nang makatalikod ang suspek ay agad itong inundayan ng taga ng kanyang kapatid kung kayat kahit sugatan ay mabilis itong umakyat sa kanyang bahay at kumuha rin ng gulok saka inundayan ng sunud-sunod na ulos ang nakababatang kapatid na siya nitong ikinamatay.

May palagay ang pulisya na may matagal ng alitan ang magkapatid at ito ang naging ugat ng krimen. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY TALA

GUALBERTO

NAGMISTULANG

NANG

NICOLAS CALOSOR

PATERNO ARRABIS

QUEZON

SITIO DANAO

SITIO MENA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with