^

Probinsiya

Sarhento itinumba sa harap ng misis

-
LUCENA CITY – Tinambangan at napatay ang isang sarhento ng Philippine Army ng tatlong bayarang mamamatay-tao habang ang biktima, kasama ang kanyang asawa ay bumababa ng pampasaherong dyip sa Brgy. Gulang-Gulang sa lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Si M/Sgt. Marcelino Cadabona, 50, na nakatalaga sa 74th Infantry Battalion ay tinambangan at napatay sa harap mismo ng kanyang asawa, samantala, napatay naman ng mga miyembro ng PNP-Special Weapon And Tactics (SWAT) ang isa sa tatlong killer na si Roberto Lagris, alyas Bobby ng Brgy. Cotta.

Nadakip naman ng pulisya si Rogelio Galicia, 60 at kasalukuyang tinutugis ang kasamang si Dante Panganiban sa hindi isiniwalat na lugar.

Base sa imbestigasyon ni SPO3 Marcelino Uy, naganap ang krimen bandang alas-10 ng umaga habang bumababa ng pampasaherong dyip ang mag-asawa.

Patraydor na nilapitan ni Galicia ang biktima saka pinaputukan ng malapitan ngunit hindi naman sinaktan ang asawa ng sundalo.

Nagkataon namang nagpapatrolya ang grupo ng PNP-SWAT sa kinaganapan ng krimen kaya kaagad namang nadakip si Galicia sa maikling habulan.

Habang sinisiyasat si Galicia ay ikinanta nito ang pinagkukutaan ng dalawa pa nitong kasamahan kaya mabilis na tinungo ng mga awtoridad ngunit sinalubong sila ng sunud-sunod na putok kaya gumanti naman ang pulisya na ikinasawi ni Lagris, samantala, si Panganiban ay kaagad na nakalayo sa naturang lugar.

Napag-alaman na si Sarhento Cabadona ay inambus na noong nakaraang buwan sa Tayabas Coliseum ngunit nagtamo lamang ng sugat sa balikat.

Inaalam naman ng pulisya ang pinaka-utak ng krimen na pinalalagay na nakabangga ng biktima sa hindi maipaliwanag na dahilan. (Ulat ni Tony Sandoval)

BRGY

DANTE PANGANIBAN

GALICIA

INFANTRY BATTALION

MARCELINO CADABONA

MARCELINO UY

PHILIPPINE ARMY

ROBERTO LAGRIS

ROGELIO GALICIA

SARHENTO CABADONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with