4 karnaper timbog
June 9, 2002 | 12:00am
LIPA CITY, Batangas Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa pandurugas ng dalawang sasakyan ang inaresto ng pulisya matapos ang maikling habulan hanggang sa masukol ang mga suspek sa Sto. Tomas Star Tollway exit kahapon ng umaga.
Kinilala ng mga tauhan ni P/Sr. Supt. Antonio Atienza, Lipa police chief, ang mga suspek na sina Rolando Taruc, 36 ng Maypajo, Caloocan City; Alson Manabat, 29 ng Pateros; Gilbert Pantoja, 27 at Rommel Cabignay, 27 na kapwa residente ng Sta. Ana, Maynila.
Nag-ugat ang pagkakadakip sa mga suspek matapos na magsampa ng reklamo si Jeffrey Nemenzo ng Brgy. Sabang, Lipa City sa himpilan ng pulisya na kinarnap ang kanyang Kia Pride na kotse (WJT-625) dakong alas-6:30 ng umaga habang nakaparada malapit sa kanyang bahay.
Kaagad namang inalarma ng pulisya ang mga kalapit na himpilan partikular na ang mga operatiba ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) patrol.
Hindi naman makapalag ang mga karnaper makaraang masabat sa naturang lugar na nagmamaneho ng kotseng Nissan Sentra (EBB-318) na pinaniniwalaang dinugas din. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended