Tensyon sa Castillejos, nagpapatuloy

CASTILLEJOS, Zambales Halos tatlong Linggo na ang umiiral na tensyon sa bayang ito bunga ng panunungkulan ng dalawang mayor na ikinababahala ng labis ng mga mamamayan dito.

Si Mayor Wilma Billman na nanalo noong nakalipas na eleksyon ay nananatili pa sa puwesto bagama’t iniluklok na ng korte ang bagong mayor na si Enrique Magsaysay.

Isang kautusan mula sa RTC Branch 72 ng Olongapo City at sa bisa ng "Writ of Execution Order" na ipinalabas noong Mayo 21, 2002 ay nag-uutos kay Billman na lisanin na nito ang puwesto upang mabigyan daan ang bagong hirang na si Magsaysay.

Subalit mariing sinabi ni Billman na hindi siya aalis sa puwesto dahil siya ay halal ng bayan at hindi dapat umupo si Magsaysay dahil sa isang "hastily rendered decision" at higit sa lahat hindi umano nito naidepensa ang kanyang sarili sa pagdinig ng kaso.(Ulat ni Erickson Lovino)

Show comments