^

Probinsiya

Commander ng MILF Lost Command, 2 pa todas sa militar

-
Tatlong pinaghihinalaang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Lost Command kabilang ang isang commander ang napatay sa magkakahiwalay na sagupaan sa tropa ng Phil. Army sa North Cotabato at Lanao del Sur.

Kinilala ang nasawing si MILF Lost Command official na si Dakulaman Duka Midtimbang alyas Commander Big Boy habang inaalam pa ang pangalan ng isang nasawing miyembro nito.

Naitala ang sagupaan dakong alas-5 ng umaga sa liblib na bahagi ng Brgy. Bulan, Pikit, North Cotabato.

Napag-alaman na nagsasagawa ng patrulya ang mga elemento ng Philippine Army’s 38th Infantry Battalion nang masabat ang hindi madeterminang bilang ng mga bandidong Muslim sa nasabing lugar.

Halos 30 minuto ang itinagal ng bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ni Midtimbang at miyembro nito.

Samantala, isa pang di nakilalang miyembro ng MILF Lost Command ang napatay sa pakikipaglaban sa mga elemento ng Philippine Army’s 67th Infantry Battalion (IB) nang magsagupa dakong alas-5:48 ng umaga sa Lower Pinantao, Kapatagan, Lanao del Sur na tumagal ng halos 45 minuto.

Nagsiatras lang ang mga bandido matapos masawi ang isa sa kanilang mga kasamahan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

COMMANDER BIG BOY

DAKULAMAN DUKA MIDTIMBANG

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

LANAO

LOST COMMAND

LOWER PINANTAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with