Dating bodyguard ng mayor tinodas, matapos mamaril
June 7, 2002 | 12:00am
NAIC, Cavite Ang sariling baril ang pumatay sa isang dating bodyguard ng mayor ng bayang ito nang maagaw sa kanya ng tatlong waiter matapos na barilin ang may-ari ng karaoke bar kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ibayo Silangan.
Nasawi noon din si Joselito Lam Rodriguez, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Pulong Ipot, Brgy. Ibayo na umano ay dating bodyguard ni Mayor Efren Nazareno dahil sa tama ng bala sa ulo.
Samantala, pinaghahanap ng pulisya ang tatlong waiter na nakilalang sina Rod Ocampo, Elmer Morado at isang alyas Randy.
Sa imbestigasyon ni PO3 Marcelo Bersamina, dakong alas-10:15 ng gabi ay lasing umanong pumasok si Rodriguez sa Paradise 2000 Videoke bar at hinahanap ang may-ari na nakilalang si Cristina Camantigue, 42.
Nang lumabas si Camantigue ay agad na itoy binaril ni Rodriguez na tinamaan sa kanang braso.
Matapos na mabaril si Camantigue ay agad na sinugod ng mga waiters si Rodriguez at pinagtulungang agawin ang baril nito.
Matapos na maagaw ay binaril nila si Rodriguez na tinamaan sa ulo na agad nitong ikinamatay.
Si Camantigue ay isinugod sa Naic Doctors Hospital habang mabilis na tumakas ang tatlong waiter. (Ulat nina Mading Sarmiento/Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended