Bading na nagpapatay sa dating nobyo, inaresto
June 7, 2002 | 12:00am
BOAC, Marinduque Inaresto ng mga pulis ang isang bading na guro ng elementarya matapos na iturong utak sa pagpatay sa dating nobyo kamakalawa.
Dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Leonardo Asaldo ng Marinduque RTC, Branch 38 si Reynaldo Lazarte, 32, binata, matapos iturong utak sa pagpatay sa dating nobyong si Dan Dennis Mogul, 20, isang graduating student sa isang computer school dito.
Magugunita na noong Marso 2, 2000, habang papauwi si Mogul mula sa eskwelahan ay hinarang at binugbog ito ng isang grupo ng kalalakihan na hinihinalang inutusan ng suspek.
Namatay si Mogul dahil sa internal hemorrage matapos na magulpi at itapon sa ilog.
Nagtapat naman ang mga gumulpi sa biktima na una nang nadakip at kanilang itinuro si Lazarte bilang utak sa pagpatay matapos na magselos nang matuklasang may kasintahan at nakatakda ng ikasal ang nobyo. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest