'Kilabot' todas sa shootout; anak kritikal
June 7, 2002 | 12:00am
Natodas sa isang shootout ang isang lalaki na pinaghihinalaang kilabot na miyembro ng Sipot gang habang nasa kritikal na kalagayan ang 3 taong gulang nitong anak na lalaki matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa South Cotabato, kamakalawa.
Ang nasawi ay nakilalang si Damon Nawan na miyembro ng nasabing grupo na responsable sa pagnanakaw ng mga hayop sa nasabing bayan matapos na magtamo ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, ang anak nitong hindi pa natutukoy ang pangalan ay nasa kritikal na kalagayan sa South Cotabato Provincial Hospital dahil sa ligaw na bala na tumama sa tiyan nito.
Sa report na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dakong alas-8 ng umaga nang salakayin ng magkasanib na elemento ng 20th Special CAFGU Company at ng pulisya ang pinagtataguan ng suspek sa Sitio Lamsopo, Lake Sebu ng nasabing lalawigan para itoy arestuhin.
Sinabi ng mga awtoridad sa suspek na sila ay may dalang warrant of arrest at sumuko ng maayos.
Subalit hindi nakinig ang suspek sa babala ng mga awtoridad sa halip, lumaban ito at nakipagpalitan ng putok.
Habang nagbabarilan ay tumakbo ang walang muwang na bata sa kanyang ama na naging dahilan para itoy tamaan ng bala. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended