Misis ng sundalo ni-rape slay sa kampo
June 4, 2002 | 12:00am
DARAGA, Albay Isinagawa muna ang maitim na balak saka tinadtad ng saksak ng patalim hanggang napatay ang isang misis ng sundalo sa loob mismo ng kampo ng 202nd Infantry Brigade sa Brgy. Villahermosa sa bayang ito kamakalawa ng umaga.
Ang bangkay ng biktima na natagpuan sa madamo at liblib na lugar sa loob ng naturang kampo ay nakilalang si Lydia Sambilon, tubong Sorigao at misis ng isang sundalo na nakatalaga sa Phil. Army Engineering Brigade at kasalukuyang nakadestino sa Jovellar, Guinobatan.
Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima dakong alas-5:30 ng umaga sa loob ng kampo na may labinlimang saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Col. Pedrito Magsino, commanding officer ng 202nd Infantry Brigade ng Phil. Army sa naganap na krimen.
Ayon sa ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na nakikipag-usap sa kanyang mister sa loob ng kampo at papaalis na noong Biyernes upang magtungo sa kanyang destino na gumagawa ng kalsada na pinondohan ng pamahalaan.
Napag-alaman pa ng pulisya na nawala sa biktima ang halagang P30,000 at dalawang cellphone na iniwan ng kanyang mister.
May palagay ang mga imbestigador na kapwa sundalo rin ang may sangkot sa pangyayari dahil sa walang sibilyang maglakas ng loob na pumasok sa nabanggit na kampo at isagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended