Pulis nanggulpi at namaril ng binata

GUIMBA,Nueva Ecija - Isang miyembro ng PNP ang nanganganib matanggal sa serbisyo matapos nitong barilin at gulpihin ang isang binata na nanggulo sa isang bilyaran kamakalawa sa Brgy. Sto.Cristo.

Ang suspek ay nakilalang si PO2 Joey dela Cruz,miyembro ng Rizal Police Station at residente ng nasabing barangay.

Samantala ang biktima ay nakilalang si Honorio Domingo,19 ng Afan Salvador st., na kasalukuyang ginagamot sa Guimba District Hospital dahil sa tama ng bala ng baril sa kaliwang binti,pasa sa ulo nito mula sa pukpok ng baril.

Sa imbestigasyon,dakong alas-9:30 ng gabi habang naglalaro ng bilyar ang pulis ay lasing na dumating ang biktima at kinulit ang mga taong nandoon.

Pinakalma ng suspek ang biktima subalit nagalit ang huli at inaway ang una.

Dahil dito napilitang gumamit ng baril ang suspk at pinalo sa ulo ang biktima at saka binaril.(Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

Show comments