Estudyante sinaksak sa loob ng jeep

Gen.Mariano Alvarez,Cavite - Dalawang tama ng saksak sa dibdib ang tumapos sa buhay ng isang 17-anyos na binata nang ito ay mapag-tripan ng isang adik sa loob ng pmpasaherong jeep kahapon ng madaling araw sa Brgy.Dacon.

Ang nasawi ay nakilalang si Rolando Magalang Jr.,estudyante ng Blk.61,Lot 6,Brgy.Dacon ng bayang ito.

Samantala hindi naman nakilala ang salarin na mabilis tumakas matapos ang pananaksak.

Sa ulat,dakong alas-2 ng madaling araw ay sakay ng isang pampasaherong jeep ang biktima pauwi sa kanilang bahay.

Nang biglang sumakay ang suspek at agad na sinaksak ang biktima ng dalawang beses.(Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments