Sinabi ni Major General Alfonso Dagudag, commanding general ng Phil. Armys 4th Infantry Division, nakubkob ng mga sundalong kasapi sa 401st Infantry Brigade, ang Camp Maderes na pinagkukutaan ng aabot sa limampung rebelde na nakipagpalitan ng putok sa mga sundalo saka nagsitakas dala ang sugatang mga kasamahan.
Narekober sa kampo ang 30 ibat ibang uri ng malalakas na baril, hindi mabatid na bilang ng bala, pampasabog, night vision goggles, 3 portable generators, handheld radios, television set at ilang medical kit bags.
Ayon sa ulat, ang pagkakadiskubre sa tagong kampo ay aksidenteng namataan ng militar matapos na magsagawa ng sunud-sunod na operation laban sa mga rebelde.
Ang naturang kampo na maaaring akupahan ng sandaang rebelde ay may 30 bunkers, dalawang palapag na gusali at observation post ngunit walang palatandaang may ginawang combat activities.
Kasalukuyan namang inaalam ang mga pangalan ng napatay na kasapi ng Front Committee Kalikupan (FCK), na pinamumunuan ng isang nagngangalang Commander Nasser Dipatuan. (Ulat ni Lino dela Cruz)