^

Probinsiya

NPA camp nakubkob, 2 rebelde todas

-
MARAWI CITY – Nakubkob ng tropa ng militar ang isang malaking kampo ng rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos ang madugong sagupaan na ikinasawi ng dalawang rebelde at hindi nabatid na sugatan sa kagubatan ng Sitio Bontayan, Pualas, Lanao del Sur noong Biyernes.

Sinabi ni Major General Alfonso Dagudag, commanding general ng Phil. Army’s 4th Infantry Division, nakubkob ng mga sundalong kasapi sa 401st Infantry Brigade, ang Camp Maderes na pinagkukutaan ng aabot sa limampung rebelde na nakipagpalitan ng putok sa mga sundalo saka nagsitakas dala ang sugatang mga kasamahan.

Narekober sa kampo ang 30 iba’t ibang uri ng malalakas na baril, hindi mabatid na bilang ng bala, pampasabog, night vision goggles, 3 portable generators, handheld radios, television set at ilang medical kit bags.

Ayon sa ulat, ang pagkakadiskubre sa tagong kampo ay aksidenteng namataan ng militar matapos na magsagawa ng sunud-sunod na operation laban sa mga rebelde.

Ang naturang kampo na maaaring akupahan ng sandaang rebelde ay may 30 bunkers, dalawang palapag na gusali at observation post ngunit walang palatandaang may ginawang combat activities.

Kasalukuyan namang inaalam ang mga pangalan ng napatay na kasapi ng Front Committee Kalikupan (FCK), na pinamumunuan ng isang nagngangalang Commander Nasser Dipatuan. (Ulat ni Lino dela Cruz)

AYON

BIYERNES

CAMP MADERES

COMMANDER NASSER DIPATUAN

FRONT COMMITTEE KALIKUPAN

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

MAJOR GENERAL ALFONSO DAGUDAG

NEW PEOPLE

SITIO BONTAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with